Friday, 14 June 2013

Baby D's funny antics!

Baby D will turn 17months this 18th, he's growing so fast that I miss the times na nakahiga at kakawag-kawag lang siya sa bed namin, na ang kaya pa lang niya sabihin ay "maymi".



Ngaun? Oh well, define disaster! He's like a sponge na, lahat ginagaya, lahat aagawin, lahat i-eexplore. But I am enjoying this phase, alam ko sobrang mabilis lang dadaan, so I want to document them.

Who doesn't love water? E ang magswimming sa water fountain? Bet na bet ng baby ko yan. Lol kaso takot na takot na mascots?! Panu na ang second bday niya? Balak ko pa naman ihire si mcdo at jobee lol.



He's getting madaldal also. At take note hindi babytalk kapag nagsalita (ewan, baka chamba lang lol)

Chamba 1
When you say "the ryza mae...."
Baby d: shoooowww (with action yan)

Chamba 2
Lola: d ayaw mo kumain, payat ka na ilan taon ka na anliit mo
Baby d: itcha (marunong sumagot lol)

Chamba 3
Lolo: d ang gaan gaan mo na, ayaw mo kasi kumain
Baby d: dibale (haha diet daw kasi siya)

Chamba 4
(Running from lolo's room to our room)
Lolo: saan ka pupunta?
Baby d: uwi (lol)

Chamba 5
Mommy: sino love ni d?
Baby d: mommhe (sorry daddy r!)

If only we can stop time noh? Ung kapag wala tayo sa bahay matutulog lang ang mga babies natin, pagdating natin saka lang sila magigising at maglalaro so we will not mis their everyday activities and milestones. As if pwede.

Friday, 7 June 2013

Whats up?!

Been busy this week, as in lumalangoy kami sa dami ng work. First week pa lang ng June, September na kami nakarating sa training schedules namin. Hay I feel bad tuloy na I don't have time to skype with my college bestfriend, hindi ko na nahihintay si daddy R umuwi sa gabi borlogs na ako, and also less playtime with baby D. Di bale, bawi bawi nalang kapag may time. chos!

I'm also back to school! yebbaaahhh! goodluck naman sa 10 units ko. Pero now I feel more inspired (sana until matapos ang sem). I am now starting to reach my dreams, I am more motivated ngaun because of baby D and of course ni daddy R! (lagot na talaga ako). 

I also wanted to show some snapshots of baby D last week.

Sukat ba naman magrelax sa legs ko? lambot na lambot siguro siya sa fats ko. 

Baby D loves chocolates, as in tinutungga na niya chuckie. 

 weird manuod ng TV ang batang ito. 

Crying baby.  

I'm thinking of weaning baby D soon, kaso kapag ganito naman siya kapaawa kapag sinabi mo "no more dede" naku baka gradeschool na siya dumedede pa. lol 

 Don D is resting while watching TV. 

And... my only reward for working hard this week. 

Baby D is growing so fast talaga. Everyday may bago siyang skills. He can now say "daddy", "lolo", "babaw" in short for nangingibabaw, "lablablab" "lola", "helo" , can demonstrate how to drink chuckie (with sounds), will demonstrate how to shampoo his hair, knows to point his ears, my ears, his nose and hair (kapag nasa mood siya), will dance with "ayos na ang buto buto comercial", but sadly, he seldom says "mommy" na ngaun. Maybe because I seldom spend playtime with him na becuase of work. I need to do something about it. Pero what I am proud is hindi sila bulol. Anyway, child has different phase of development. 

But on a lighter note, I'm happy because mas kilala niya si daddy R, he knows na kapag hawak namin ung tab, lalabas dun si daddy R, at he will repeatedly say "daddy" 100x. There was one time pa nga hindi talaga magsskype si R because my basketball sila (fitness project niya yan), hindi malaman ng bagets panu i-eexpress na bakit hindi lumalabas daddy niya sa phone, ang cute lang niya. 

I know I will be busier next month, I'l be on field again, school will be more demanding, commuting and rainy season will take most of my time, hay working/studying mom woes. But I know I can do it, I so still lucky that I have a supportive hubby and family. Kasipagan ko nalang ang kulang. lol. 

Laters!