Friday, 14 June 2013

Baby D's funny antics!

Baby D will turn 17months this 18th, he's growing so fast that I miss the times na nakahiga at kakawag-kawag lang siya sa bed namin, na ang kaya pa lang niya sabihin ay "maymi".



Ngaun? Oh well, define disaster! He's like a sponge na, lahat ginagaya, lahat aagawin, lahat i-eexplore. But I am enjoying this phase, alam ko sobrang mabilis lang dadaan, so I want to document them.

Who doesn't love water? E ang magswimming sa water fountain? Bet na bet ng baby ko yan. Lol kaso takot na takot na mascots?! Panu na ang second bday niya? Balak ko pa naman ihire si mcdo at jobee lol.



He's getting madaldal also. At take note hindi babytalk kapag nagsalita (ewan, baka chamba lang lol)

Chamba 1
When you say "the ryza mae...."
Baby d: shoooowww (with action yan)

Chamba 2
Lola: d ayaw mo kumain, payat ka na ilan taon ka na anliit mo
Baby d: itcha (marunong sumagot lol)

Chamba 3
Lolo: d ang gaan gaan mo na, ayaw mo kasi kumain
Baby d: dibale (haha diet daw kasi siya)

Chamba 4
(Running from lolo's room to our room)
Lolo: saan ka pupunta?
Baby d: uwi (lol)

Chamba 5
Mommy: sino love ni d?
Baby d: mommhe (sorry daddy r!)

If only we can stop time noh? Ung kapag wala tayo sa bahay matutulog lang ang mga babies natin, pagdating natin saka lang sila magigising at maglalaro so we will not mis their everyday activities and milestones. As if pwede.

Friday, 7 June 2013

Whats up?!

Been busy this week, as in lumalangoy kami sa dami ng work. First week pa lang ng June, September na kami nakarating sa training schedules namin. Hay I feel bad tuloy na I don't have time to skype with my college bestfriend, hindi ko na nahihintay si daddy R umuwi sa gabi borlogs na ako, and also less playtime with baby D. Di bale, bawi bawi nalang kapag may time. chos!

I'm also back to school! yebbaaahhh! goodluck naman sa 10 units ko. Pero now I feel more inspired (sana until matapos ang sem). I am now starting to reach my dreams, I am more motivated ngaun because of baby D and of course ni daddy R! (lagot na talaga ako). 

I also wanted to show some snapshots of baby D last week.

Sukat ba naman magrelax sa legs ko? lambot na lambot siguro siya sa fats ko. 

Baby D loves chocolates, as in tinutungga na niya chuckie. 

 weird manuod ng TV ang batang ito. 

Crying baby.  

I'm thinking of weaning baby D soon, kaso kapag ganito naman siya kapaawa kapag sinabi mo "no more dede" naku baka gradeschool na siya dumedede pa. lol 

 Don D is resting while watching TV. 

And... my only reward for working hard this week. 

Baby D is growing so fast talaga. Everyday may bago siyang skills. He can now say "daddy", "lolo", "babaw" in short for nangingibabaw, "lablablab" "lola", "helo" , can demonstrate how to drink chuckie (with sounds), will demonstrate how to shampoo his hair, knows to point his ears, my ears, his nose and hair (kapag nasa mood siya), will dance with "ayos na ang buto buto comercial", but sadly, he seldom says "mommy" na ngaun. Maybe because I seldom spend playtime with him na becuase of work. I need to do something about it. Pero what I am proud is hindi sila bulol. Anyway, child has different phase of development. 

But on a lighter note, I'm happy because mas kilala niya si daddy R, he knows na kapag hawak namin ung tab, lalabas dun si daddy R, at he will repeatedly say "daddy" 100x. There was one time pa nga hindi talaga magsskype si R because my basketball sila (fitness project niya yan), hindi malaman ng bagets panu i-eexpress na bakit hindi lumalabas daddy niya sa phone, ang cute lang niya. 

I know I will be busier next month, I'l be on field again, school will be more demanding, commuting and rainy season will take most of my time, hay working/studying mom woes. But I know I can do it, I so still lucky that I have a supportive hubby and family. Kasipagan ko nalang ang kulang. lol. 

Laters!

Monday, 27 May 2013

Baby D's Broom Broom!

Baby D is sooo cute! Sorry the stage momma in me could resist to post these photos I took last weekend. The statement "he loves broom broom" is an understatement, "he super love broom broom"! As in no one could borrow it or even touch it, and even is his tulala moment pagkagising, basta sinabi mo "D halika kay broom broom" he will stand up and will say "broom! broom!" agad agad haha. So there, sulit naman ang pakikipaglaban ko kay daddy R sa pagbili ng car na yan from clark pa at pagbitbit namin lol. 

Smiling while "beep beep"

He's irritated kasi hindi makapasok ung car niya, 1 level up naman kasi. 

So there! naisip niya na pwede naman niya buhatin papasok. 

Baby D: Hay nakakapagod magplay outside mommy, park muna broom broom, rest muna me. (lol) 

"mommy broom broom has sira! i'm fixing it!"

Baby D: "Oh there mommy! I need new tires for broom broom or I need a new broom broom!"
Me: Hug and Kiss your daddy! ask him a new one! lol

"Don't worry mommy, I can fix broom broom!"

"gawa na mommy! bye-bye!"

Hay angsocute talaga! baliw na baliw ako sa batang yan!

Laters!

Weekend Love!

Baby D is growing so fast! and he's getting a handful already. As his lolo said, "Sumasakit na balakang ko saiyo D!" haha hanglikot naman kasi. Pero what I love about him now is nagiging malambing na siya. Im loving it! alam kong hindi magtatagal ang stage na yan, kaya ini-enjoy ko ng bongang bongga.

We have a lot of mommy and baby moments na, 

- While nursing, kapag sinabi ko "kiss mommy!" ilalapit na niya ung head niya sa akin for me to kiss. 

- Feel na feel ko talaga yesterday na habang busy siya sa pagdede, at ako sa pagwatch TV, he suddenly stopped and kissed me sa lips. (for now kasi madalang na siyang magkiss na lips, tamad yan ang kiss niya ilalapit niya noo niya sau for you to kiss) hayyyy the Joy of Motherhood talaga. 

- While im we are watching TV, he sat beside me, smiled and then biglang kinagat ung nose ko! I swear hindi ako nagturo sa kanya nun! haha

- He learned how to turn-off the TV and electric fan as in 100X! haha then biglang titili at huhug sa akin, dahil alam niya mapapagalitan siya naglalambing na agad haha

Here are the snapshots during the weekend.. sorry daddy R you missed a lot!

Friday night, I brought chupa chups, he loved it! as in namamalo kapag may umaagaw!

Just noticed, dati ang laki ng pajama na yan, ngaun 3/4s na sa knya haha malapit na maging shorts! bilis naman lumaki baby D! 

 Crying baby! kasi akala niya everytime hahawakan namin ung tab andun daddy R for skype, kaso wala. Kaya ayan iyak na naman. 

 Lolo: D bakit ka tili ng tili? Bakla ka ba? Naku lagot ka sa akin!
(haha bagay naman diba?) 

Seriously, daddy R should go back na, ako kasi ginagaya ng bata. He's in the stage pa naman na gaya-gaya. Kaya ayan nakaheadbank habang nagttext.


Ayan! hay, hindi ko na alam panu ipapa intindi sa kanya na ang cp ni mommy ay hindi toy!

Haha I knew it! baby D will love this car! ayaw pa bilhin ni R kasi nga makakasawaan lang daw. But noh! kebs na ang iba niyang toys since dumating ang car na ito. At ang bilis na niya magdrive, yun lang parang nasa bump car lang siya palaging nababangga. 

And because ayaw niya ipahiram sa lolo niya ung car, ipinasok nalang niya sa room namin habang nagrerest siya.  

 And after mapagod kakaplay, nagrest nalang siya sa hips ko, lambot daw kasi puro fats! lol

Until next weekend!

Laters!



Helllooo Monday!

It's supposedly a happy monday for me. I had a great weekend with baby D. We spend the whole 2days together, wala si daddy R (quota na daw kasi siya last week dito lol) at wala din si A (nagbakasyon). And baby D is in the stage na kakulitan na cute pa. So we eat, sleep and watch the whole weekend. 

Then kaninang umaga ang ganda pa ng ngiti ni baby D when he woke-up,walang tantrums kasi no more dede na siya, then nung paalis na ako, kahit busy siya sa pagplay, he came to me and kissed me bye bye. I also left early para hindi nga ako malate kasi I know monday. And nakakaganda ng mood na walang drama sa kanya this morning, no nega feeling sa pag alis ko. 

Kaso.. kaso.. and LRT! g-r-r-r-r-r-r!

Suki na ako ng LRT for almost 4 years, no problem with me ang siksikan at balyahan. Sanay na sanay na ako, in fact I devised my own diskartes na. But ung crowd control na iniimplement nila ngaun? I don't think it is necessary if aayusin nila ung schedules ng trains nila. 

I swear, naubos lahat ng possitivity sa katawan ko kanina. Imagine I left the house early nga, 7:30AM nasa baba na ako ng station. But noh! nakasakay ako 8:30 na. Ok naman sana sa akin ng crowd control, as long they do it systematically. Kaso hindi. hndi talaga. 

Sana if ang gusto ng lady guard sa taas ay 1 line lang, sa baba pa nacontrol na nila. Madali naman kausap ang mga tao if maayos mo din sila kinausap. 

They will add more guards sana para fair. Sa two entrance, sa left 2 lang ang guards, sa kabila 4, anyare? 

Pati tatawid lng ang LRT kailangan din pumila ng mahaba?

Ok naman before, commuters survived. Ngaun we need to have an allowance of 1 hour sa pagpasok? that 1 hour andami pa naman magagawa with family pa sana. 

What happened? Oh my G talaga!