Tuesday 16 April 2013

Baby D's 1st Haircut!


When baby D popped out (gross!), ung hair nya kaagad ang nakita ko, ang kapal! Kaya para siyang babae while growing-up. Cute na cute sa kanya mga tao, kaso siya hindi cute na cute sa sarili nya lol. Naiinitan siguro at nangangati. Ilang beses na din siya nagkasugat sa ears at sa neck dahil dyan. 

See? Japorms yan, cuteness overload talaga! Naman kasi sa balot ko yan pinaglihi. Pero contrary to the myth na kapag makati ang belly area ay mabuhok ang baby, wala naman akong ganun, almost no stretchmarks nga (yippeee!). Baka nasa genes lang talaga. 


Si baby D palaging nakapigtails. Ganyan siya everyday until matutunan na niya tanggalin at kainin ung mga ponytails. Panira daw ang kacute-an. 


That's why when baby D turned 1, as in before magstart ang party niya, we went to kiddie barbershop to him make look handsome. Pero kiddie barbershops pala is expensive noh? sabagay ikaw na ang may toy car na laruan at choice of your favorite show habang nagrerelax at ginugupitan? Their package is P250 for haircut only and P450 with certifcate. Kaya mommy DIY to the rescue ako, ako nalang gumawa ng certificate ni baby D. 
Not bad?! lol. I wan't baby D to experience the best in life, natural anak ko yan, kaya ako nagpapakahirap magwork for him. Pero minsan nagkukuripot din naman ako. Kaya next haircut niya sa suking barbero nalang ng lolo niya. Kaso the whole process ng gupitan, iyak ng iyak ng baby, result? ayoko nga ipakita picture. Baka magalit sa akin si baby D paglaki niya. 

Hay anak, sobrang bilis mo lumaki. Wag masyado, wait for mommy... I love you so much!

Laters, ! 

No comments:

Post a Comment