Monday, 29 April 2013

Early Terrible Two???

I know! baby D is only 1yr and 3mos pero sobrang bilis lang, kala mo talaga more than 2 years old na siya sa kalikutan. Ang bilis ng panahon, sobra! parang kailan lang walang ginawa si baby D kung hindi matulog, umiyak, dumede at magpopo. 

First Day sa bahay ni baby D. 
 Ngaun, every morning is so special, paggising mo pa lang ganitong ngiti na sasalubong sayo.

Paggising, "Good Morning Baby", ayan nakangiti na siya ng ganyan, kapag swerte pa, mayroon pa akong mahigpit na hug. Hay I soooo love motherhood... 

And before ang get-up lang niya ay baby clothes talaga, ngaun we can experiment na, paging daddy R! we need to shop for new clothes na. 

Cuteness overload!


Kanino ka nagmana baby? "Sympre kay DaddyR" lol

 Pero syempre, kasama sa growing-up ang kalikutan. I think ang aga niyang mag enter sa terible-two! (wala pa ngang 2 years old) Buti nalang carry siya alagaan ni tita A. Here is the list ng mga bagay na nagagawa ng batang malikot.

1. Tumakas sa room namin, papuntang room nila lola (repeat 10X)
2. Laruin ang mga sockets, hilahin ang TV cords at kung anu-anu pang cord sa bahay
3. Magdive sa bed
4. Umakyat sa couch at recently sa center table
5. Magkalat ng mga toys niya (every day!)
6. Gawing mall ang kotse (as in paikot-ikot siya sa kotse, ang liit naman sana ng space)
7. Abutin lahat ng kaya niyang abutin
8. Itapon Kuhanin lahat cellphone sa bahay at ilalagay sa ears niya at kung anu-anu sinasabi
9. Pumuna sa CR, tindahan, sa labas at maglikot ng maglikot.
10. Sirain ang mga laruan niya
11. Sumiksik sa kung saan masikip
12. Sumira Magread ng mga baby books niya
13. Maglaro habang kumakain
14. Kumain ng maraming frenchfries
15. Manuod ng "tatlong bibe" sa tab (as in may LSS na kami), kapag bored na itatakas na niya ng tab
16. Magsungit sa mga toys niya (seriously we need to do something about this)
17. Manulak, mangurot at mansabunot ng ibang kids (oh may lagi yata kami ipapatawag sa school nito)
18. Sumakay sa batya, kahon or kahit anung pwedeng sakyan
19. Magkalat Kumain mag-isa pero lalagyan mo ng food ang spoon niya, siya lang magsusubo at left
handed yata siya
20. Simigaw at tumili kapag tuwang tuwa

(madami pa, I will update this list soon!)

At recently, nadiscover na niya ang language ng "cry" as in iyak kung iyak kapag hindi niya nakuha ng gusto niya. Kaso weird na mga bagay ang gusto ng bagets, as in susi ng car, papers,ballpen, notebook na  sisirain babasahin lang namin niya lol at madami pang iba.

See? si Baby D ang may award ng ng "most" malikot, maingay at makulit sa waiting area ng hospital. haha
At ngaun, marunong na din siya umakting ng ganito. Nanunuod siya ng video sa tab, kaso ayaw kumain kaya itinabi ko muna tab, at Ola! ganito ang drama niya.

acting na acting right?!
 "Hay anak, you are growing so fast... andami namin namimiss na milestones mo ni daddy R. Sana when you grow-up you will understand that we are doing this for you. We are working hard to give you the best things in life. We love you so much to the moon and back and back to the mooon". 

No comments:

Post a Comment